Ang Patakaran sa Pagkapribado na ito (“Patakaran sa Pagkapribado”) ay itinatakda ng Colu Technologies (US) Inc. at ng parent company na Colu Technologies Ltd. (Israel), na magkasamang tinutukoy sa patakaran bilang “Colu,” “kami,” “namin,” at/o “amin.” Ipinapaliwanag nito kung paano namin maaaring kunin, i-store, gamitin, at isiwalat ang impormasyon kapag ina-access o ginagamit mo (1) ang aming website na matatagpuan sa www.Colu.com (ang “Website”); (2) aming mga mobile application kung saan naka-post ang Patakaran sa Pagkapribado na ito (sama-samang tinatawag na “Application” o “App”); at (3) anumang serbisyo, content, at feature na ginawa naming available sa pamamagitan ng Website o Application (tinatawag na “Mga Serbisyo” kasama ng Website at Application). Sa pamamagitan ng pag-access o paggamit sa Mga Serbisyo, pinapayagan mo ang aming pagkuha, pag-store, paggamit, at pagsisiwalat ng iyong impormasyon gaya ng inilalarawan sa Patakaran sa Pagkapribado na ito. Kung hindi ka sumasang-ayon sa bawat probisyon ng Patakaran sa Pagkapribado na ito, hindi mo magagawang i-access ang, mag-sign up sa, o gamitin ang Mga Serbisyo.
1. Panimula
Ang Colu ay nagkakaloob sa mga munisipalidad at county sa United States ng mga serbisyong ginawa upang mahikayat ang civic engagement, maisulong ang mga layunin ng County, mahimok ang lokal na paggastos, at masuportahan ang mga lokal na negosyo. Ginagawa ito sa pamamagitan ng technological platform ng Colu, na kinabibilangan ng Application. Ang Application ay inilo-localize sa bawat isa sa Mga County na kumuha sa Colu (tutukuyin ang bawat isa sa mga ito bilang “County”); ipinagkakaloob sa iyo ng County ang sarili nitong mga serbisyo sa pamamagitan ng Application, kasama ang, hal., reward program ng county (ang “Reward Program”).
Habang ipinagkakaloob namin ang aming mga serbisyo sa Mga County, kinukuha, sino-store, ginagamit, at isinisiwalat namin ang ilang partikular na uri ng impormasyon tungkol sa mga user ng Application (“Mga User”). Kasama sa impormasyong ito ang impormasyong makakatukoy sa iyo (“Personal na Impormasyon”). Naninindigan ang Colu na ituturing nito ang iyong Personal na Impormasyon nang may respeto at sensitivity. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa patakaran sa pagkapribado na ito o kaugnay ng kung paano namin ginagamit ang iyong personal na data, makipag-ugnayan sa amin sa Privacy@Colu.com.
Pakitandaan na maaari din naming kunin, gamitin, at ibahagi/lisensyahan ang aggregated data at iba pang uri ng anonymized data gaya ng pang-istatistika o demograpikong data para sa anumang layunin. Ang aggregated/anonymized data ay maaaring kunin sa iyong Personal na Impormasyon pero hindi ito itinuturing na Personal na Impormasyon dahil hindi ka nito matutukoy nang personal. Halimbawa, maaari naming pagsama-samahin ang data ng iyong paggamit sa App upang kalkulahin ang porsyento ng mga user na nag-a-access sa isang partikular na feature ng App. Bilang isa pang halimbawa, maaari naming isama ang data ng iyong
1
mga pagbiling kwalipikado para sa mga reward sa data ng iba pang user at ibahagi ito (anonymized) sa County (o mga third-party na sponsor), upang masuri ang mga resulta ng campaign na nag-aalok ng reward sa ilalim ng Rewards Program. Gayunpaman, kung isinama o ikinonekta namin ang Aggregated Data sa iyong personal na data upang matukoy ka nito, ituturing namin ang pinagsamang data bilang Personal na Impormasyon na gagamitin alinsunod sa Patakaran sa Pagkapribado na ito.
Regular naming sinusuri ang aming Patakaran sa Pagkapribado at maaari namin itong baguhin paminsan-minsan sa pamamagitan ng pag-post ng binagong bersyon at pag-update sa ‘Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa’ sa itaas. Ang binagong bersyon ay magkakaroon ng bisa sa “Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa” na nakatala. Bibigyan ka namin ng makatuwirang paunang abiso ng mahahalagang pagbabago sa kung paano namin ginagamit ang iyong impormasyon, sa pamamagitan ng email o iba pang paraan, ngunit sa pamamagitan ng email ang opsyong mas gusto namin. Maaari din kaming magbigay ng abiso ng mga pagbabago sa iba pang sitwasyon. Kung hindi ka nasisiyahan sa mga pagbabagong ito, maaaring mong ihinto ang paggamit mo ng Application.
Ang Application ay naglalaman ng mga link papunta sa at mula sa mga website at platform ng mga third party, gaya ng mga merchant, social platform, at iba pa. Pakitandaan na ang mga website, platform, at anumang serbisyong maaaring ma-access sa pamamagitan ng mga ito ay may kani-kanilang patakaran sa pagkapribado at hindi namin tinatanggap ang anumang responsibilidad o sagutin para sa mga patakarang ito o para sa anumang personal na data na maaaring kunin sa pamamagitan ng mga website, platform, o serbisyong ito, gaya ng data sa pakikipag-ugnayan at data ng lokasyon. Pakisuri ang mga patakarang ito bago ka magsumite ng anumang personal na data sa mga website at platform na ito o bago mo gamitin ang mga serbisyong ito.
2. Mga Uri ng Pribadong Impormasyong Kinukuha Namin at Kung Paano Namin Ito Kinukuha Impormasyong ibinibigay mo sa amin. Ito ay impormasyong tungkol sa iyo, kasama ang Personal na Impormasyon, na sumang-ayon kang ibibigay mo sa amin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga form sa Application o Website, o kaya sa pamamagitan ng pagsusumite ng naturang impormasyon, hal., sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin (halimbawa, sa pamamagitan ng email o chat) o sa pamamagitan ng telepono. Kasama rito ang impormasyong ibinibigay mo kapag nagparehistro kang gamitin ang Application (gaya ng iyong pangalan at email address), nagbahagi ka ng data sa pamamagitan ng mga social media function ng Application, kung available, sumali ka sa paligsahan, promotion, o survey, at kapag nakipag-ugnayan ka sa amin para sa customer service o technical support para sa Mga Serbisyo. Kung makikipag-ugnayan ka sa amin, maaari kaming magtabi ng record ng komunikasyong iyon.
Sa pag-sign up sa Application, malinaw kang pumapayag na makatanggap ng mga text message sa mobile phone, push notification, at email mula sa amin o sa County sa numero ng mobile phone at email address na ibinigay mo sa amin, pati mga komunikasyon para sa marketing at
2
promotion. Maaari kang mag-opt out sa pagtanggap ng mga email at text message para sa marketing at promotion sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga nauugnay na setting sa App o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin sa chooselocalsmc@colu.com. Maaari mo ring sundin ang mga tagubilin sa pag-unsubscribe sa anumang email para sa promotion na matatanggap mo. Pakitandaan na ang ilang partikular na mensaheng nauugnay sa Mga Serbisyo na ipapadala namin (kasama ang mga email na maaari naming ipadala sa ngalan ng County) ay kinakailangan para gumana at magamit nang maayos ang Mga Serbisyo at maaaring hindi ka makapag-opt out sa mga mensaheng iyon. Maaari kang mag-opt out sa pagtanggap ng mga notification sa telepono sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga kagustuhan sa iyong mobile phone.
Impormasyong Nakuha sa Mga Device. Kapag ina-access o ginagamit mo ang Mga Serbisyo sa pamamagitan ng computer o mobile device, kasama ang, nang walang limitasyon, desktop computer, laptop, mobile phone, tablet, o iba pang electronic device (tinatawag na “Device” ang bawat isa), maaari kaming kumuha ng impormasyon mula sa iyong Device, gaya ng uri at manufacturer ng iyong Device, operating system at bersyon ng iyong Device, iyong mobile carrier, mga identifier ng iyong Device, numero ng iyong mobile phone, iyong IP address, uri ng browser mo, uri ng iyong koneksyon sa network, impormasyon tungkol sa webpage na nag-refer sa iyo sa Website o binisita mo bago bisitahin ang Website, at iyong gawi at aktibidad sa Website at Application. Kasama dito ang, halimbawa, mga detalye ng iyong paggamit sa App, gaya ng mga detalye ng iyong paglahok sa mga alok na reward sa App, natitira mong reward at impormasyon tungkol sa mga reward na ibinigay sa iyo at ni-redeem mo sa pamamagitan ng Application sa mga tindahan ng alinman sa Mga Redeeming Merchant (tinatawag na “Redemption Purchase” ang bawat isa).
Dagdag pa rito, kung ida-download mo ang Application sa iyong mobile Device, maaari kaming kumuha ng impormasyon mula sa iyong mobile Device tungkol sa iyong lokasyon. Maaari naming gamitin ang impormasyong ito upang bigyan ka ng mga naka-target na alok at abisuhan ka tungkol sa mga kalapit na third-party na lokasyon kung saan mo magagamit ang Mga Serbisyo. Maaari kang mag-opt out sa pagkuha ng data ng lokasyon anumang oras sa pamamagitan ng pagbabago ng mga setting sa iyong mobile Device o iyong mga kagustuhan sa mga setting ng App. Gayunpaman, kung gagawin mo ito, maaaring maging hindi available sa iyo ang ilang partikular na feature ng Mga Serbisyo o maaaring maging limitado ang performance ng o hindi talaga gumana ang ilang partikular na feature ng Mga Serbisyo.
Impormasyong Nakuha ng Mga Cookie at Mga Katulad na Tracking Technology. Kapag ina-access o ginagamit mo ang Mga Serbisyo, maaari kaming maglagay ng maliliit na data file sa iyong Device na nagtatalaga ng mga random at natatanging numero sa iyong Device para mabigyang-daan kaming tukuyin ang iyong Device kapag ginagamit mo ang Mga Serbisyo. Ang mga data file na ito ay maaaring mga cookie, mga pixel tag, iba pang local shared object, o mga katulad na teknolohiya na ibinibigay ng iyong browser o mga nauugnay na application (sama-samang tinatawag na “Mga
3
Cookie”). Maaari kaming gumagamit ng Mga Cookie para tukuyin ang iyong device, pamahalaan at i-store ang iyong mga setting at kagustuhan para sa Mga Serbisyo, pahusayin ang Mga Serbisyo, alukin ka ng mga naka-target na produkto at serbisyo, at kumuha at sumuri ng impormasyon tungkol sa iyong pag-access at paggamit sa Mga Serbisyo. Maaaring kasama sa Mga Cookie na ginagamit namin kaugnay ng Mga Serbisyo ang mga sumusunod: - Mga Session Cookie: Ang Mga Session Cookie ay mga pansamantalang Cookie na nag-e-expire at awtomatikong nabubura kapag isinara mo ang window ng iyong browser. Maaari kaming gumamit ng mga session Cookie para bigyan ka ng access sa content at mag-enable ng mga pagkilos na magagawa mo lang kapag naka-log in ka sa iyong Account.
- Mga Persistent Cookie: Ang Mga Persistent Cookie ay Mga Cookie na karaniwang napakatagal bago mag-expire at mananatili sa iyong browser hanggang sa mag-expire ang mga ito o hanggang sa manual mong i-delete ang mga ito. Maaari kaming gumamit ng mga persistent Cookie para mas maunawaan ang mga pattern ng paggamit para mapahusay namin ang Mga Serbisyo. Halimbawa, maaari kaming gumamit ng persistent Cookie upang maiugnay ka sa iyong Account o tandaan ang mga pinili mo para sa Mga Serbisyo.
- Mga Third-Party Cookie: Maaari naming payagan ang ilang partikular na third party na maglagay ng Mga Cookie sa pamamagitan ng Mga Serbisyo upang mabigyan kami ng insight tungkol sa mga paggamit ng Mga Serbisyo at demograpiko ng user. Ang mga third party na ito ay maaaring gumamit ng Mga Cookie para kumuha ng impormasyon tungkol sa iyong mga aktibidad online sa paglipas ng panahon at sa iba't ibang website kapag ina-access o ginagamit mo ang Mga Serbisyo. Halimbawa, maaari kaming gumamit ng Google Analytics upang suriin ang mga pattern ng paggamit para sa Website at Application. Maaaring gumawa ng Cookie ang Google Analytics upang kumuha ng impormasyon tungkol sa iyong pag-access at paggamit sa Website at Application na maaaring gamitin ng Google upang mangalap ng mga ulat tungkol sa aktibidad para sa amin at magkaloob ng iba pang nauugnay na serbisyo. Ang iyong web browser ay maaaring awtomatikong magpadala ng ilang partikular na impormasyon sa Google, gaya ng web address ng page na binibisita mo at iyong IP address. Upang mag-opt out sa Google Analytics kaugnay ng Mga Serbisyo, bisitahin ang page sa pag-opt out ng Google Analytics at i-install ang add-on para sa iyong browser. Para sa higit pang detalye tungkol sa pag-install at pag-uninstall ng add-on, pakitingnan ang mga nauugnay na resource ng tulong para sa iyong partikular na browser. Hindi namin kinokontrol ang paggamit ng mga third party ng Mga Cookie o mga katulad na tracking technology. Ang naturang paggamit ay napapailalim sa mga patakaran sa pagkapribado ng mga kaukulang third party.
Sa pamamagitan ng pag-access o paggamit sa Mga Serbisyo, pinapayagan mo ang paglalagay ng Mga Cookie sa iyong Mga Device gaya ng inilalarawan sa Patakaran sa Pagkapribado na ito. Kung ayaw mong makatanggap ng Mga Cookie sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, maaari mong kontrolin kung paano tumutugon ang iyong browser sa Mga Cookie sa pamamagitan ng pagsasaayos sa mga setting ng pagkapribado at seguridad ng iyong web browser. Maliban na lang kung itinakda mo ang mga setting ng iyong browser na tanggihan ang lahat ng Cookie, maaaring
4
mag-isyu ng Mga Cookie ang aming mga system kapag ina-access o ginagamit mo ang Mga Serbisyo. Kung itatakda mo ang mga setting ng iyong browser na tanggihan ang lahat ng Cookie, maaaring maging limitado ang performance ng o hindi talaga gumana ang ilang partikular na feature ng Mga Serbisyo.
Dagdag pa rito, kami at ang mga third party na provider na ginagamit namin ay maaaring gumamit ng Mga Cookie sa mga mensahe sa email namin sa iyo (kasama ang mga email na maaaring ipinapadala ng Colu sa ngalan ng County na nagpapatakbo ng App na ginagamit mo) upang matulungan kaming i-track ang mga rate ng pagsagot sa email, matukoy kapag binasa ang aming mga email, at i-track kung fino-forward ang aming mga email. Ang ilan sa aming mga mensahe sa email ay maaaring may “mga click-through URL” na naka-link sa content sa Website o Application. Tina-track namin ang click-through data upang matulungan kaming maunawaan at suriin ang interes sa mga paksa at paggamit sa Mga Serbisyo.
Impormasyong Nakuha sa Mga Third-Party na Vendor ng Impormasyon ng Payment Card: Ang Reward Program na ipinagkakaloob ng County sa pamamagitan ng App ay maaaring magbigay-daan sa iyong makatanggap ng reward points para sa mga kwalipikadong pagbili sa ilang partikular na lokal na merchant, tulad ng tinukoy sa Mga Tuntunin ng Paggamit ng User ng App [Link]. Upang makatanggap ng naturang reward points para sa mga kwalipikadong pagbili, hihilingin sa iyong mag-link ng payment card o mga payment card sa iyong App account sa pamamagitan ng pagbibigay sa aming third-party na vendor ng mga identifier at impormasyon sa pag-log in ng naka-link na financial account, at/o katulad na impormasyon (sama-samang tinatawag na “Impormasyon sa Pag-log in ng Account”). Ang naturang Impormasyon sa Pag-log in ng Financial Account ay kinukuha ng aming vendor ng impormasyon sa pagbabayad na Plaid Technologies, Inc. (“Plaid”), alinsunod sa mga tuntunin at kondisyon ng patakaran sa pagkapribado nito (matatagpuan dito: https://plaid.com/legal/#privacy-policy), at isang encrypted token lang ang ibinibigay sa amin ng Plaid kaugnay nito. Wala kaming access sa mismong Impormasyon sa Pag-log in ng Financial Account mo.
Kapag nakapag-link ka na ng payment card (o mga card) sa App, matatanggap ng Colu mula sa Plaid ang impormasyon mula sa financial account na nauugnay sa payment card, gaya ng Impormasyon tungkol sa mga transaksyon hal., halaga, petsa, payee, uri, dami, presyo, lokasyon, at paglalarawan ng transaksyon (“Impormasyon ng Transaksyon”) pati na rin pangkalahatang impormasyon tungkol sa financial account at anumang account na nauugnay dito, gaya ng pangalan ng pinansyal na institusyon, pangalan ng account, uri ng account, pagmamay ari sa account ng financial account at ang huling 2-4 na alphanumeric character ng opisyal na account number ng isang account.
Sa pamamagitan ng pag-link ng iyong payment card:
(1) Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na kung at hangga't kinukuha ng o tina-transfer sa Plaid Technologies, Inc. (“Plaid”) ang Impormasyon sa Pag-log in ng Financial Account mo, iyong Personal na Impormasyon, Impormasyon ng Transaksyon mo, o anupamang impormasyon, ang mga tuntunin at kondisyon ng patakaran sa pagkapribado ng Plaid
5
(matatagpuan dito: https://plaid.com/legal/#privacy-policy) ang sasaklaw sa paggamit ng Palid ng naturang impormasyon, at malinaw kang sumasang-ayon sa mga tuntunin at kondisyon ng patakaran sa pagkapribado ng Plaid. Malinaw mong ibinibigay sa Plaid ang karapatan, kapangyarihan, at awtoridad na i-access at i-transmit ang iyong impormasyon kung makatuwiran itong kinakailangan ng Plaid para ipagkaloob sa iyo ang mga serbisyo nito.
(2) Pinapahintulutan mo ang Colu na tanggapin, iproseso, at i-store ang impormasyong ibinibigay ng Plaid gaya ng inilalarawan sa itaas, at i-monitor ang Impormasyon ng Transaksyon sa financial account na nauugnay sa iyong naka-link na payment card kaugnay ng pagtukoy ng mga posibleng kwalipikadong pagbili sa ilalim ng Reward Program ng County.
Pakitandaan na hindi ka obligadong mag-link ng payment card sa App, at maaari kang mag-opt out sa pagkuha ng impormasyon, pagpoproseso, at pag-monitor ng transaksyon sa (mga) payment card na ini-link mo sa pamamagitan ng pag-delink ng mga ito sa pamamagitan ng Application. Gayunpaman, kung hindi ka magli-link ng payment card, hindi mo magagamit ang mga alok na reward na nakabatay sa pagsasagawa ng mga kwalipikadong pagbili sa mga lokal na merchant, kung sakaling mag-umpisa ng mga ganoong alok na reward ang County.
Impormasyon mula sa Iba pang Third Party at Source na Available sa Publiko Maaari kaming makatanggap ng personal na data tungkol sa iyo mula sa mga third party at pampublikong source, gaya ng data mula sa mga analytics provider, at pangalan, impormasyon sa pakikipag-ugnayan, larawan sa profile, at iba pang impormasyon sa account/profile mula sa mga social network gaya ng Facebook at mga provider gaya ng Apple kung pipiliin mong magparehistro sa App sa pamamagitan ng mga serbisyong ito (kung sakaling magkaroon ng ganitong opsyon).
3. Paano Namin Ginagamit ang Pribadong Impormasyon
Maaari naming gamitin ang Personal na Impormasyon para sa mga layuning inilalarawan sa ibang bahagi ng Patakaran sa Pagkapribado na ito, at nang internal para sa aming mga pangkalahatang layuning komersyal, na bukod sa iba pang bagay ay kinabibilangan ng:
● pag-aalok at pagpapahusay ng Mga Serbisyo at mga serbisyo ng County, kasama ang pagpapayo sa County tungkol sa paggawa at pag-personalize ng content at mga alok na reward;
● pagsusuri sa paggamit ng Mga Serbisyo at mga serbisyo ng County;
● pagbibigay sa iyo ng babala tungkol sa mga isyu sa pagiging compatible ng software; ● pagpapadala ng anumang abiso o alerto at komunikasyon na nauugnay sa iyong paggamit ng Mga Serbisyo o mga serbisyo ng County, pati sa ngalan ng County; ● para sa marketing at advertising, pati sa ngalan ng County, na kinabibilangan ng pagpapadala sa iyo ng promotional material o mga espesyal na alok sa ngalan namin o sa ngalan ng County o iba pang third party, sa kondisyong hindi ka pa nag-opt out sa pagtanggap ng mga naturang komunikasyon;
6
● pagtupad sa mga kontratang sinang-ayunan natin, ang aming kontrata sa County, at pagtulong sa County sa pagtupad nito sa mga kontratang sinang-ayunan ninyo; ● pag-aalok sa iyo ng iba pang produkto, programa, o serbisyo na sa tingin namin o ng County ay interesante;
● pagsasagawa ng pananaliksik sa merkado, pagpaplano ng proyekto, pagbuo ng produkto, pag-troubleshoot ng mga problema, at pagsusuri ng gawi ng user; ● pagtukoy, pagpigil, at pag-imbestiga sa aktwal o pinaghihinalaang panloloko, pag hack, paglabag, o iba pang maling gawi na may kinalaman sa Mga Serbisyo; ● pagsunod sa anumang naaangkop na batas at regulasyon at pagsagot sa mga kahilingang naaayon sa batas;
● Pag-imbestiga at pagresolba sa mga reklamo, pagtatanggol laban sa mga legal na claim at posibleng paglilitis, pati sa ngalan ng County
4. Paano Kami Nagbabahagi ng Impormasyon
Maaari kaming magbahagi ng Anonymous/Aggregated na Impormasyon sa mga third party, gaya ng inilalarawan sa iba pang bahagi ng Patakaran sa Pagkapribado na ito at para sa aming mga layuning komersyal.
Hindi kami nagbabahagi ng Personal na Impormasyon sa aming mga affiliate o third-party na service provider, maliban kung inilalarawan sa ibang bahagi ng Patakaran sa Pagkapribado na ito at sa mga sumusunod:
● Sa County: Gaya ng nabanggit, ang Colu ay isang service provider ng County; ang impormasyong kinukuha, ipinoproseso, at tina-transmit ng Colu sa pamamagitan ng o kaugnay ng Mga Serbisyo, pati ang iyong Personal na Impormasyon, ay maaaring kunin at iproseso sa ngalan ng County, o kaya ay kaugnay ng pagkakaloob ng County ng mga serbisyo sa pamamagitan ng Application at alinsunod sa Mga Tuntunin ng Paggamit ng User. Samakatuwid, maaaring ibahagi ng Colu sa County ang lahat ng kategorya ng impormasyon, kasama ang iyong Personal na Impormasyon, maliban sa Data ng Transaksyon at anupamang Personal na Impormasyon na nauugnay sa financial account na ibinigay ng Plaid sa Colu, na hindi ibabahagi sa County. Sa kabila ng pagbubukod na ito, maaaring magbahagi ang Colu sa County ng anonymized at/o aggregated na impormasyon, pati ang nauugnay sa mga posibleng kwalipikadong transaksyon batay sa impormasyong natanggap mula sa Plaid.
● Sa Mga Merchant: Sa ngalan ng County, maaari naming ibahagi ang iyong Personal na Impormasyon sa mga merchant kung saan ka nagsagawa ng posibleng kwalipikadong pagbili sa ilalim ng mga tuntunin ng Reward Program, upang ipaalam sa mga ito kung saan naganap ang isang transaksyon kung kailangang kumpirmahin ng merchant ang isang partikular na transaksyong naganap; halimbawa, maaari naming ibahagi ang petsa ng iyong pagbili at halaga ng iyong binili upang ma-verify ng merchant ang iyong pagbili sa mga record nito o makumpirma nito kung may nawawala o pinagtatalunang transaksyon. Maaari naming ibahagi sa Mga Redeeming Merchant ang katulad na impormasyon, sa
7
ngalan ng County, upang mag-verify ng Redemption Purchase at mga detalye nito. Dagdag pa rito, ibabahagi namin sa Mga Redeeming Merchant ang iyong buong pangalan (gaya kung paano mo ito inirehistro sa App).
● Maaari din naming ibahagi ang ilan sa o ang lahat ng iyong Personal na Impormasyon – o sa alinman sa aming mga parent company, subsidiary, joint venture, o iba pang kumpanyang hawak namin;
o kapag hiniling o pinahintulutan mo ito, o para magkaloob ng serbisyong hiniling mo;
o sa Mga Third-Party na Service Provider na nagkakaloob ng mga serbisyo upang suportahan ang Mga Serbisyo, gaya ng pagsusuri ng data, pagpapadala ng email, pag-host, infrastructure, storage ng network, customer service, technical support, at mga serbisyo sa promotion na napapailalim sa mga obligasyon sa kontrata upang panatilihing kumpidensyal ang impormasyong ibinibigay namin sa mga ito.
o upang sumunod sa mga naaangkop na batas, patakaran, at regulasyon, at upang sumunod sa mga pampamahalaan at panregulatoryong kahilingan, utos ng hukuman, at subpoena;
o upang protektahan ang aming mga karapatan, ari-arian, at kaligtasan, at ang mga karapatan, ari-arian, at kaligtasan ng County at ng ibang tao
o upang ipatupad ang aming mga karapatang magmumula sa anumang kontratang sinang-ayunan natin, kasama ang Mga Tuntunin ng Serbisyo, upang ipatupad ang mga karapatang magmumula as anumang kontratang sinang-ayunan ninyo ng County, kasama ang Mga Tuntunin ng Paggamit ng User;
o Kung sakaling magkaroon ng corporate sale, merger, reorganization, pagbebenta ng mga asset, dissolution, o katulad na pangyayari, maaaring ibahagi at maaaring maging bahagi ng mga ita-transfer na asset ang Pribadong Impormasyon. 5. Seguridad
Pinapahalagahan namin ang seguridad ng iyong Personal na Impormasyon. Gumagamit kami ng mga teknikal, pisikal, at pang-administratibong pag-iingat, na kinabibilangan ng, ngunit hindi limitado sa, mga firewall, technique sa encryption, at pamamaran sa pag-authenticate upang mapanatili ang seguridad ng iyong Impormasyon. Sa kasamaang-palad, hindi magagarantiyang 100% secure ang anumang pagkuha o pag-transmit ng impormasyon sa pamamagitan ng Internet o iba pang network ng komunikasyong naa-access ng publiko, at samakatuwid, hindi namin magagarantiya ang seguridad ng anumang naturang impormasyon. Hindi namin responsibilidad ang paglusot sa anumang setting ng privacy o panseguridad na feature. Sumasang-ayon kang hindi kami magkakaroon ng anumang sagutin para sa maling paggamit, pag-access, pagkuha, pag delete, o pagsisiwalat ng iyong Impormasyon.
Maaari ka naming bigyan ng opsyong protektahan ang access sa App gamit ang isang code/password na pipiliin mo. Lubos naming inirerekomendang huwag mong sabihin sa kahit sino
8
ang iyong password. Hindi namin hihingin ang iyong password sa anumang komunikasyong hindi mo hiningi (gaya ng mga liham, tawag sa telepono, o mensahe sa email).
6. Impormasyon ng Mga Bata
Hindi ginawa ang Mga Serbisyo para sa mga bata, at hindi namin sinadyang subukang mangalap o tumanggap ng impormasyon mula sa mga bata sa Mga Serbisyo. Kung mapag-alaman naming kumuha o tumanggap kami ng personal na impormasyon mula sa isang batang wala pang 13 taong gulang nang walang pag-verify ng pahintulot ng magulang, magsasagawa kami ng mga hakbang upang sumunod sa anumang naaangkop na legal na rekisito upang alisin ang naturang Impormasyon. Makipag-ugnayan sa amin kung sa palagay mo ay nagkamali kami sa pagkuha o hindi namin sinasadyang kumuha ng Impormasyon mula sa isang batang wala pang 13 taong gulang.
7. Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan
Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa Patakaran sa Pagkapribado na ito o sa Mga Serbisyo, makipag-ugnayan sa amin sa Privacy@colu.com.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
9